menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Panganay Ng Umaga

Joey Ayalahuatong
natholomewhuatong
歌詞
レコーディング
Ang panganay ng umaga'y sumilip sa bintana

Ako'y dumilat at nagulat sa lawak ng mundo

Mga burol at kabundukan, nakahanay sa abot-tanaw

Bughaw na langit at kapatagan, magkasintahang nagtatagpo

Lawa, ilog, dagat

Lamig, tamis, alat

Ulan, agos, alon

Haplos sa pisngi ng panahon

Sanlibong ulap nagliliparan, kasabay ng agila at lawin

Bulong ng simoy, awit ng hangin, at sigaw ng buhawi, hey

Ako'y tao lamang

Tagabigay ng pangalan

Tagasukat, tagabilang

Munting butil sa sanlibutan

Ang panganay ng umaga'y sumilip sa bintana

Ako'y dumilat at nagulat sa lawak ng mundo

Joey Ayalaの他の作品

総て見るlogo

あなたにおすすめ