menu-iconlogo
logo

Babaguhin Ang Buong Mundo

logo
歌詞
Kailan kaya matatapos ang gulo

Kasalukuyan ko ay nakakalito

Umaasang malalampasan ko rin ito

Panuorin ninyo balang araw humanda kayo

Lalayo mula sa mundong aking ginagalawan

Mapupunta ako sa nakaraan

Magmamasid kikilalanin iba ibang tao ang hahanapin

Tibok na puso ang magdadala sa akin

Matuto sa nakaraan

Bawat pangyayari may malalaman

Mga aral na dadalhin ko

Hanggang bukas ng buhay ko

Lahat ng pagsubok ay kakayanin ko

Babaguhin ang buong mundo

Kaya kayang baguhin ang nakalipas

Maiiba kaya ang mangyayari bukas

Bago mo gawin suriin mabuti

Isipin din ang iba wag lang ang sarili

Tibok na puso ang magdadala sa akin

Matuto sa nakaraan

Bawat pangyayari may malalaman

Mga aral na dadalhin ko

Hanggang bukas ng buhay ko

Lahat ng pagsubok ay kakayanin ko

Babaguhin ang buong mundo (buong mundo)

Oh oh oh

Babaguhin Ang Buong Mundo by Julie Anne San Jose - 歌詞&カバー