menu-iconlogo
huatong
huatong
ney-darating-cover-image

Darating

neyhuatong
lifeisalie1huatong
歌詞
収録
Kung kailangan mo ng ka usap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailangan mo ako

Darating…Darating

Pinulot sa mesa ang baba

Umapaw sa luha at nag baha

Hindi ma kontento, may hindi na kontento

Kaya ngayon sayad ako sa lupa

Teka lang ngayon

Parang di na yata yung ikaw

Na matibay ang loob

At di basta bumibitaw

Nasan ang isipan? Bakit para bang naliligaw?

Bakit ganyan ka mag isip?

Tila mangang nahihilaw?

Kasi maasim

Maasim ang kinakasadlakan

Mga balakit sa daan tila di na malagpasan

Ngayon wala na ‘kong pera

Wala paring trabaho

Walang pinagbabago at pinapasan-pasan

Mga problema

Alam k**a kung minsan patong-patong

Na para bang bagyo na humampas sa barong-barong

Pero dapat ay bumangon pag ikaw ay nadapa

" Pero bumangon man ako, wala paring magagawa!"

Kung kailangan mo ng ka usap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailangan mo ako

Darating…Darating

Alam mo?

Di lang ikaw ang may mga dalangin

May pagsubok man sa'yo

Meron din para sa akin

Sa Amin

Sa kanila at kung kani-kanino

Walang hindi namomroblema

Kahit na sino

Madali lang yan sabihin

Mahirap na gawin

May bagay na hindi makuha kahit pilit chagain

Parang babaeng niligawan na agawin ang pansin

Pero sa bandang huli

Baliwala parin

Anong klasing dahilan yan?

Parang baloktot

Parang sinabi mong habang buhay ka nang malungkot

Kung mangangarap

Akyat ka lang hanggang sa toktok

Para bumaon ang pako

Dapat may pumuk-pok

Ginagawa naman lahat

Pero bahit sumasablay?

Sa agos ng buhay

Na pilit sumasabay

Wag mawalan ng pag-asa

Marami ang gumagabay

Dapat lalong tumatapang

Habang ika'y umaaray!

Kung kailangan mo ng ka usap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailangan mo ako

Darating…Darating

At kung di ka kumbinsido

Ay to, makinig ka!

Dapat tibayin ang loob

Kapag nakikidigma

Marami ang pag subok

Hahamuinin ang tigas

Dapat mag paka tatag

Para hamuin ang bigas

Sa dating palay!

Mula sa palad ng mag sasaka

Bawat butil sa bukid Hindi dapat mag pabaya

Ang ugali ng pinoy!

Kahit nakapagpapababa

Nakukuha pang ngumiti

Kung minsan nagpapatawa

Sana makuha ang buto

Nang hindi yan ang wakas

Gamitin mo ang iyong puso

At natitirang lakas

Laging may hamon bawat bukas

Lag-lag kahit malakas

Tandaan mo lang

Palagi na may langit sa taas

Wag ka nang mag alangan

Manatiling palaban!

Iisa lang ang mundo na ating ginagalawan

Pag asang nakalaan

Nasa iyo ang paraan

Maglakbay ng deretcho

Kahit may putik sa daan

neyの他の作品

総て見るlogo

あなたにおすすめ