Minsan ang 'sang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin
Sakdal-rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin
Ang alon ng maling pagmamahal
Ang s'yang kalaban nyang mortal
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal
Kayat bago nating bigkasin
ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Paka-isipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa mag-sanga ng landas.....
Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala.
Kayat bago nating bigkasin
ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Paka-isipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa mag-sanga ng landas
Minsan dalawang puso'y nag-sumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala, luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
Gumuhong kastilyong buhangin