
Paminsan Minsan ️
Paminsan minsan
Naaalala pa rin kita
Kahit ngayon
Mayrong nagmamahal
Na ngang iba
Tuwing maiisip
Itong damdamin
Nagbabalik
At para bang
Nar'yan ka pa
Sa aking tabi
Muling nadarama
Ang yakap mo
Matitikmang muli
Ang halik mo
Naririnig
Sinusumpang
Ako ay mahal mo...
Paminsan minsan
Ang alaala mo'y
Nagbabalik
At aaminin ko
Hanggang ngayon
Ika'y iniibig...
Hinihiling ko
Na kahit
Nasaan ka man...
Isipin mo ako
Kahit paminsan
Minsan lang
Paminsan minsan
Tinititigan
Larawan mo
Unti unting pumapatak
Ang luha ko
Pinagsisihan
Lahat ng aking
Pagkukulang
Kaya ikaw nga, sa akin
Ay lumisan
Kahit ngayon
Mayro'n akong iba
Kahit sinasabing
Mahal ko s'ya
Sa puso ko
Ikaw pa rin
Ang mahal ko....
Paminsan minsan
Ang alaala mo'y
Nagbabalik
At aaminin ko
Hanggang ngayon
Ika'y iniibig...
Hinihiling ko
Na kahit
Nasaan ka man
Ngayon
Isipin mo ako
Kahit
Paminsan...
Minsan lang...