menu-iconlogo
logo

Antukin

logo
歌詞
Iniwan ka na ng eroplano

Ok lang baby wag kang magbago

Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin

Kukupkupin nalang kita

Sorry wala ka nang magagawa

Mahalin mo nalang ako nang sobra sobra

Para patas naman tayo, di ba?

Sasalubungin natin ang kinabukasan

Nang walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto palaging mayro'ng paraan

Pinaiyak ka ng manghuhula

Hindi na raw tayo magkasamang tatanda

Buti nalang merong langit na nagtatanggol sa

Pag ibig na pursigido't matyaga

Sasalubungin natin ang kinabukasan

Ng walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong Trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto palaging merong paraan

Long as we stand as one

Ano man ang ating makabangga

Nothing will ever break us

Wala talaga

As in wala

Sasalubungin natin ang kinabukasan

Nang walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto ay hahalikan na lang natin

Ang kinabukasan nang buong loob at yayakapin pa

Tadhana'y medyo overrated kung minsan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto palaging mayro'ng paraan

Gumawa nalang tayo ng paraan

Gumawa nalang tayo ng...

Gumawa nalang tayo ng paraan