Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka
kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo
parang walang gulo
Bakit kapag nakikita ka
parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap
kita nauutal utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako,
para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako,
nabalot ng pag asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo,
ang sarap mabuhay punung puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako,
sa isang sulyap mo,
Napa ibig ako
Bakit kapag kasama kita
ang mundo ko’y nag iiba
Bakit kapag kapiling kita
ang puso ko’y sumusigla
Bakit kapag nandito ka
problema ko’y nabubura
Ikaw ang aking pag asa
at ang tanging ligaya
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako,
para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako,
nabalot ng pag asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo,
ang sarap mabuhay punung puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako,
sa isang sulyap mo, napa ibig ako
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako,
para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako,
nabalot ng pag asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo,
ang sarap mabuhay punung puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako,
sa isang sulyap mo, napa ibig ako
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
sa isang sulyap mo, napa ibig ako