Halos lahat
Ay nagtatanong
Doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran
Na aking pinagmulan
Sila'y nalilito,
Ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan,
Ako lang ang nakakaalam
Magulang ko'y
Ginawa na ang lahat
Ng paraan
Upang mahiwalay
Sa aking natutunan
Subalit iniwan ko
Ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan,
Ako lang ang nakakaalam
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Kaya ngayon ako'y narito
Upang ipaalam
Na 'di ako nagkamali
Sa aking daan
Gantimpala'y 'di ko hangad
Na makamtan
Kundi ang malamang tama
Ang aking ginawa
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Musika ang buhay
Na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
Kung ba't ako
Naglalakbay
Halos lahat
Ay nagtatanong
Doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran
Na aking pinagmulan
Sila'y nalilito,
Ba't daw ako
Nagkaganito
Kung ano ang dahilan,
Ako lang
Ang nakakaalam....