Minsan nang makita ka
Kausap mo'y isa ko ring kakilala
'Di ko alam ang gagawin
Kung ako ay lalapit din
Ngunit baka ako ay 'di mo pansinin
Habang papalapit ka na
Dibdib ko'y walang tigil sa pagkaba
Sa pawis ako'y nanlalamig
Labi ko ay nanginginig
Ngunit bakit ako'y medyo kinikilig
At sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan
Sana'y kahit sa pagkakaibigan

Sana'y kahit sapag ga gaibigan
Lo at sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan
Sana'y kahit sa pagkakaibigan
Sana'y kahit na magkaibigan lang