menu-iconlogo
huatong
huatong
가사
기록
Ikaw ang liwanag pagkatapos ng ulan

Ikaw ang umaga ng gabing nagdaan

Ikaw ang nagtakda ng simula′t katapusan

May tangan ng ngayon at kailanman

Ikaw ang pag-ibig na hindi magwawakas

Ang ilaw at patnubay sa liko-likong landas

Ikaw ang tagsibol sa panahon ng taglagas

Pagsuyo Mo'y busilak at wagas

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat

Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat

Ang alay Mo′y patawad, 'di man ako karapat-dapat

Ikaw ang kaibigan kong tapat

Ngiti Kang papawi sa luhang papatak

Nagtatagong galak sa likod ng pag-iyak

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat

Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat

Ang alay Mo'y patawad, ′di man ako karapat-dapat

Ikaw ang kaibigan kong tapat

Ikaw ang kaibigan kong tapat

ASOP의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용

Ikaw - ASOP - 가사 & 커버