menu-iconlogo
logo

Kabilang Buhay

logo
가사
Masasayang mga araw na kasama kita

Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa

Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama

Na parang wala nang sisira ng lahat

Bakit pa dumating ang oras na ito?

Nabalitaan ko na wala ka na

Hindi ba't sabi mo, hindi mo 'ko iiwan?

'Di papabayaan na ako'y mag-isa

Hindi ba't sabi mo, sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo?

'Di ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap?

Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam?

Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin

Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na

Hindi ba't sabi mo, hindi mo 'ko iiwan?

'Di papabayaan na ako'y mag-isa

Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Whoa (oh, oh)

Whoa, whoa (oh)

Oh, whoa, whoa, whoa

Sa aking pagbuklat ng unang pahina

Kitang-kita ng aking dalawang mata ang isang pilas na nawala

Na lubos kong ikinabigla ang 'yong pagkawala

Mahal, kumusta ka na? Alam mo bang miss na miss na kita?

Sana'y mayakap, mahagkan na rin kita

Heto ako, oo, eto ako na palaging pinipiling umidlip, managinip

Dahil 'yun lang naman ang dahilan para tayo'y mabuo

'Di ba't sabi mo? Whoa, whoa

'Di ba't sabi mo? Whoa, whoa

Alam mo bang gusto ko nang sumunod?

Dahil lunod na 'ko sa lalim ng kalungkutan

Ngunit batid 'kong hindi mo 'yun magugustuhan

Kaya paalam na para maramdaman mong pag-ibig ko ay tunay

Susundan na lamang kita diyan sa kabilang buhay

Hindi ba't sabi mo, hindi mo ako iiwan?

Hindi papabayaan na ako'y mag-isa, whoa

Hindi ba't sabi mo, sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Hindi ba't sabi mo, hindi mo ako iiwan? (Sa kabilang buhay)

Hindi papabayaan na ako'y mag-isa (sa kabilang buhay)

Hindi ba't sabi mo, sabay tayong tatanda? (Sa kabilang buhay)

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Kabilang Buhay - Bandang Lapis/Lyca Gairanod - 가사 & 커버