menu-iconlogo
logo

Huling Mensahe

logo
가사
Hanggang dito na lamang ba

Lagi na lang nasasaktan ng ganito

Ano bang aking nagawa bigla kang nanlamig

Ibinigay ko ang lahat

Pati ang buhay ko

Ito ba ang sukli sa pagmamahal na inalay ko sa 'yo

Puno ng sakit puno ng hapdi at pagdurusa

Eto na bang huling

Eto na bang huling

Pagkikita pagsasama

Hanggang dito na lamang ba

Lagi na lang nasasaktan

Hindi na ako iibig pa

Para hindi na lumuha pa ng ganito

'Di mo man lang ba naisip masayang araw nating dalawa

Paano na ang sumpaan at pangarap natin sa isa't isa

Bigla ka na lang bumitaw

At sinuko na lang ang lahat

Eto na bang huling

Eto na bang huling

Pagkikita pagsasama

Hanggang dito na lamang ba

Lagi na lang nasasaktan

Hindi na ako iibig pa

Para hindi na lumuha pa ng ganito

Pinilit kong ipagsiksikan ang sarili ko sa 'yo

Ang kitid pinagsiksikan basta lamang mabuo

Wala na 'kong paki kung tama pa ba 'to

Baka sakaling manalo kung lalaban pa ako

Ngunit parang ako'y dehado

Hindi pa ako nagsisimula pinaparamdam mo agad sa akin na talo

Kaya huling mensahe ko sana'y 'yong mapakinggan

At 'di na rin ako aasa na meron pang babalikan

Uunti- untiin ko na ring buburahin ang ating nasimulan

Pero alam mo ang pinakamahirap

Ang hirap mong kalimutan

Hanggang dito na lamang ba

Lagi na lang nasasaktan

Hindi na ako iibig pa

Para hindi na lumuha pa ng ganito