Sapul ng mamulat tayoy naging tao kasalanan kaakibat dito sa mundo
Kasalanan mo bay sagad hanggang buto darating ang araw may sumbat ang buhi mo
Ako ay tao lamang naririnig ninyo pilit ang pakiusap kung pakikinggan nyo ko
Ang gawaing panlalamang at gawaing panloloko ay ating iwasan budhiy susumbatan tayo
Sumbat ng budhi matatagalan mo ba
Sumbat ng budhi pinatutulog ka ba
Sumbat ng budhi iyong pag-isipan
Habang may oras pa patungo sa kabutihan
Habang may oras pa iyong pag-isipan
Mapapalad tayong mga nilalang
Pagkakasala man ang ating pinagmulan
Pagkat may isip tayo at alam ang daan
Ikaw gusto mo ba masama o kabutihan
Naaaninag ko na unti-unting dumarating
Kahit sinong tao di na kayang pigilin
Darating ang araw dagat lupa pati hangin
Magsisilbing apoy ang mundo ay kikitlin
Sumbat ng budhi matatagalan mo ba
Sumbat ng budhi pinatutulog ka ba
Sumbat ng budhi iyong pag-isipan
Habang may oras pa patungo sa kabutihan
Habang may oras pa iyong pag-isipan
Sumbat ng budhi matatagalan mo ba
Sumbat ng budhi pinatutulog ka ba
Sumbat ng budhi iyong pag-isipan
Habang may oras pa patungo sa kabutihan
Habang may oras pa iyong pag-isipan
Habang may oras pa iyong pag-isipan
Habang may oras pa iyong pag-isipan