OverviewLyricsVideosListenArtists 
Dahan-dahan lang sa gitna man ng daan 
Mga saglit na inilikha 
Kakaiba ang tama 
Ng sinag sa 'yong kutis na kayumanggi 
Oh, sa'n ba 'ko dinadala? 
Bawat ngiting biglaang nabura 
Iyong naipinta 
Hiwaga ng 'yong tingin, nang-aalipin 
Kahit sa'n man madala 
'Di pinapansin, ingay sa tabi 
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin 
'Di pinapansin, ika'y paiikutin 
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan 
Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan 
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan 
Walang imik, 'di mabanggit na sa aking isip 
Ikaw lang ang nagmamarka 
Kahit mabitin aking salita 
Mata'y ibinubunyag na 
Sa 'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin 
'Wag ka sanang kumawala 
'Di mawawala 
'Di pinapansin, ingay sa tabi 
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin 
'Di pinapansin, ako'y paiikutin 
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan 
Oh 
Oh 
Oh 
Oh 
'Di man alam ang darating 
Sa dulo at sa gitna ng dilim 
Sa liwanag mo nakatingin 
Sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin 
'Di man alam ang darating 
Sa dulo at sa gitna ng dilim 
Sa liwanag mo nakatingin 
Sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin 
'Di pinapansin, ingay sa tabi 
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin 
'Di pinapansin, ika'y paiikutin 
Nang dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) sa gitna man ng daan 
'Di pinapansin, ingay sa tabi 
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin 
'Di pinapansin, ika'y paiikutin 
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan