Isang saglit nang ubod-tagal 
Unang halik ng 'yong mahal 
Isang saglit lang, nang matikman 
Isang saglit lang, parang walang hanggan 
'Yan ang iyong unang halik 
Kailan ba 'yon? Kay tagal na 
Ngunit tamis naroon pa 
Tuwing ang mata'y mapipikit 
Bakit tamis kusang nagbabalik? 
Kukupas ka, ngunit hindi 
Ang alaala mo ng una mong halik 
Puso mo'y maghahanap 
Muli at muli kang magmamahal 
Lahat ay malilimot mo 
Ngunit hindi, ngunit hindi ang 
Iyong unang halik 
Unang tibok ng pusong sabik 
Isang saglit lang, nang matikman 
Isang saglit lang, parang walang hanggan 
Limutin mo man, mahirap gawin 
Dahil damdamin mo, sumisigaw 
Mapipi man ang 'yong bibig 
Oh, kay tamis ng una mong halik