menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Di Ako Iiyak

Gabriellahuatong
mrsridges9huatong
가사
기록
Kapeng aking tinitimpla, lagi ngayong lumalamig

Hindi ko malaman kung kulang sa tamis

Tasang walang kibo, sa aki'y nakatitig

Ako't siya ay naghihintay masagi ng iyong bibig

Buhok na mahaba, iniingat-ingatan ko

Noong isang linggo'y pinaputulan ko ito

Marahil ay pagod lamang ang iyong isipan

At 'di mo napansin at hindi tinutulan

'Wag kang mag-alala, 'di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na gapatak

Ako'y pinulot mo, singdumi ng burak

Binigyang pangalan itong aking anak

Pintong dati-rati'y bukas sa iyong pagdating

Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin

'Pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin

Kahit mahina pa, ito'y aking sasagutin

Kay linis ng silid, walang nagkakalat

Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap

Sanggol na nasanay, akala ay ama

Ngayo'y natutulog ito kahit nag-iisa

'Wag kang mag-alala, 'di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na gapatak

Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik, tama na at sapat

'Wag kang mag-alala, 'di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na gapatak

Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik, tama na at sapat

Gabriella의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용

Di Ako Iiyak - Gabriella - 가사 & 커버