Sang binata ang pangalgan ay vicente
Asal nya pag kalye akala nya disente
May pagakabayolente ang kanyang mentalidad
Dahil masasamang tao kasama nya sa pag edad
Kanyang ina ang bumubuhay sa kanya sya ay lumaki
Na di kilala ang ama
Kaya galit sya sa mundo
At naisipan nya na mag rebelde kanyang buhay ay nasira
At nag kanda letche letce
Ito ay lumala nung dumami
Kanyang tropa
Natutong uminom manigarilyo at mag droga
Kanyang buhay ay madrama
Parabang isang nobela
Ngunit pag syay naka droga
Nalilimot ang problema
Kaya naisip nya pag dodroga
Solusyon sa kalungkutan
At galit na buo sa meusyon
Kaya kapag wala syang
Pag dodroga sakanyang pang araw araw
Pinasok nya ang pang hohold up at pati pag nanakaw
Di binawal sa sarili mo ang bawal na gamot
Asahan balang araw ikaw mismo ang mananagot
Mga panginoon sa droga
Bakit mo sinasamba
Sila ay talikuran na ng buhay
Mo maisalba
Dahil di iyan sagot at hindi iyan sapat
Mag babago kana ba kapag huli na ang lahat
Di ko kayo inuutusan ito ay
Babala sa droga buhay
Lala at walang mapapala
Kaya di nakakagulat si vicente nakulong
Dahil sa pag shashabo sya ay tuluyang nalulong
Bumubulong ng mag isa sa kanyang selda tulala
Buhay nya ay lumala ng lumala ng lumala
At sa hindi inaasahan bigla syang pinalaya
Kanya ina ay nandyan kahit sya ay nagkasala
Kanyang ina ay nagipon para sa pang- pyansa
Di sya matiis kaya binibigyan ng tyansa
Kahit ulit ulit chambu ma belisa rehas
Ba mahal nahina
Wling kaparihas
Wading disa bnango duinia ure galit nakos ganit paras
Nagit gamu asya nahg bahat lulaming trafic dedunia angla basta sakiniya
Pag aadik
Si vicente ay nabuhay na ganap na kriminal
Akala nya ay tama ang mga gawaing illegal
Ituloy natin ang istorya
At isang gabi wala na syang pang droga sa tabi
Kaya sya ay nangagangati at hindi mapakali
Sya ay lumabas at hinandang dalhin baril niya
At may nakita syang tao naglalakad ng magisa
Nilapitan nya ito at tinutukan sa likod
Sabi nya mamamatay ka kung hindi ka sumunod
Di nya pinalingon yung tao para di sya makilala
Sabi nya akin na pera mo kung ayaw mo ng bala
Ang biktima ay sumagot habang umiiyak
Sabi nya ang pera nya ay para sa kanyang anak
Si vicente ay nagalit binaril nya to sa ulo
Pag tumba nakita nya mukha ng tao at tumulo
Ang kanyang luha dahil ang kanyang nabiktima
Ay kanyang ikinagulat at itoy kanyang ina
Di sya makipaniwala ang ina ang pinatay
Kapalit ng droga nya ay buhay ng kanyang inay
Di binawal sa sarili mo ang bawal na gamot
Ayan ang sinasabi ko ngayon ikaw ay nalagot
Mga panginoon sa droga bakit mo sinasamba
Sila ay talikuran na nang buhay mo maisalba
Dahil hindi iyan sagot at hindi iyan sapat
Magbabago ka lang ba kapag huli na ang lahat
Hindi ko kayo inuutusan ito ay babala
Sa droga buhay lalala at walang mapapala
Ito ay kwento ngunit naganap na sa tunay na buhay
Dahil dyan sa droga ang daming tinubuan ng mga sungay
Imbis na pagulungin yung buhay upang may tumulong
Mas pinili mong bato ang iyong pianapagulong
Kausapin ang sarli salamin iyong titigan
At pilitin pagdodroga pigilan at tigilan
Dahil si vicente ay nasira dahil sa bato
At si vicente ay ako inaamin ko ako
Dahil lamang sa bato king ina aking nadamay
Sya nakakintindi sa akin at sya ang karamay
Nong gabing sya'y nabaril at bago sya bumitaw
Sya ngumiti sa akin at akoy mag ingat daw
Ahhhhhsigaw
Kaya sa mga tulad ko mag bago na kayo
Habang di pa huli lahat dahil pra sakin huli nato
At akoy napagod na nais ko'y kapayapaan
Susundan ko na aking ina paalam