menu-iconlogo
huatong
huatong
hero-napapanahon-cover-image

Napapanahon

Herohuatong
ryanmallettehuatong
가사
기록
Lagi mong tatandaan

Hindi kita gagantihan

Kahit aking nasaksikan

Kung pano mo ko pinagtaksilan

Dapat mong panindigan

Kasi pinili mo yan

Marahil may mga nagtulak sayo

Pero alam kong ginusto mo yan

Matagal na kong kinukutuban

Na may iba ka ng inuuwian

Pero para sa iyong kapakanan

Pati sarili ko di ko pinakinggan

Anong lasa ng labi ng isang lalakeng laging sinasabi na mahal ka niya

Napakaswerte mo ba? kaso malas mo nahuli kita

Apat na taong iningatan

Anim na buwan mong tinago

Gusto kong pasalamatan

Yung nagmalasakit na tao

Sinabi niya sakin lahat ng

Mga pinagagagawa mo

Habang akoy nasa malayo

Tinatrabaho ka na pala ng yong katrabaho

Pano mo nagawa to

Anong napapala mo

Di ko inaasahang

Aabot tayo sa ganitong punto

Nagsawa ka ba talaga

O baka dahilan mo nalang

Di ka sumasagot sa tawag ko

Pero sinagot mo ang tawag ng laman

Pinili mo yan pinili mo yan

Di mo inisip ang kahihinatnan

Pinili mo yan pinili mo yan

Patawad kung walang kapatawaran

Sa ginawa mo parang ginilitan

Nagkulang o labis na kalabisan

Hindi lang ako ang iyong nasaktan

Ngayon karma nalang ang yong babalikan

Madami na akong itinaya

Kaso sa pandaraya ka bihasa

Mainit na pagmamahal ay binasa

Isa kang isdang malansang bilasa

Nung pumurol tinapon imbis na itasa

Naghanap ng bago kaya nag iba na

Nagtanong ka sakin kung mahal ba kita

Oo mahal kita kaya nga di ko nakahalata

Imbis na ilaban natin

Ginamit mo yan laban sakin

Ako nalang umiintindi sayo

Nagawa mo pa kong kalabanin

Sino bang tunay na makitid

Sino bang dapat na sisihin

Sana bago ka nakipagsiping

Yung anak natin ang una mong inisip

Wag kang mang guilt trip

Di mo na kami mapapaniwala

Binigyan kita ng maayos na buhay

Mas gusto mong pariwara ka

Hindi ako mayaman

Pero may pamilyang maayos makisama

Kala ko ako na ang tutuldok

pero mas gusto mong kinakama

Pati sa mga kunsintidor mo na nakasama

Katrabaho kaibigan yung iba pa nga mismong pamilya

Mo ang nasa likuran ng panloloko mong di ko nakita

Kung maya balak ka na itanggi pa, meron akong ebidensya ito proweba

Hero의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용