menu-iconlogo
logo

Ako ay Pilipino

logo
가사
Ako ay Pilipino

Ang dugo'y maharlika

Likas sa aking puso

Adhikain kay ganda

Sa Pilipinas na aking bayan

Lantay na Perlas ng Silanganan

Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal

Bigay sa 'king talino

Sa mabuti lang laan

Sa aki'y katutubo

Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino,

Ako ay Pilipino

Isang bansa isang diwa

Ang minimithi ko

Sa Bayan ko't Bandila

Laan Buhay ko't Diwa

Ako ay Pilipino,

Pilipinong totoo

Ako ay Pilipino,

Ako ay Pilipino

Taas noo kahit kanino

Ang Pilipino ay ako!.....

Ako ay Pilipino - Kuh Ledesma - 가사 & 커버