Alam na Alam mo naman
Nung tayo pang dalawa
Ginagawa mo pang unan
Ang aking mga paa
Di ba't sinabi mo pa
na kapag tayo'y kasal na
Kaya mong ibigay sa akin
Ang anak ng isang dosena
Ngunit bakit ngayon Ibang Iba ka na
Di mo na nga ako Pinapansin
Pinagtataguan pa
Akala tuloy ng iba
Di pang display ang iyong ganda
Minsay pa nga ako'y nagtataka
Kung napapano ka na
Kung bakit nagkagano'n
Ang tanong ng aking ina
Wala akong ibang masabi
Kundi ang pagtakpan ka
Dahil alam mo naman
Na mahal na mahal kita
Gagawin ko ang lahat kahit
Ikamatay ko pa
Ngunit bakit ngayon Ibang Iba ka na
Di mo na nga ako Pinapansin
Pinagtataguan pa
Akala tuloy ng barkada
Hindi ikaw ang aking nobya
Minsan nama'y napagkamalan
Pa'kong collector ng nawasa
Ang payo ng aking ama
Ay muling suyuin ka
Handogan ka raw ng bulaklak
Rosas na kulay pula
Sagot ko naman sa kanya
Hindi bale na lang ama
Hihintayin ko na lamang mawala
Ang kanyang amnesia
Ngunit bakit ngayon Ibang Iba ka na
Di mo na nga ako Pinapansin
Pinagtataguan pa
Akala tuloy ng 'yong lola
May bisita kang Dracula
Pati tuloy bawang n'yo sa kusina
naubos kapupukol n'ya
Kahit nagka amnesia ka
Mahal pa rin kita....Have fun and enjoy!