menu-iconlogo
logo

Namumuro Ka Na

logo
가사
Bakit ka ba nagagalit sa akin

Bakit ako di mo na pinapansin

Kulang pa ba ang pagmamahal na alay ko sa'yo

Di mo lang alam na nasasaktan ako

Tinutupad ko naman ang mga pangako ko sa'yo

Kahit hirap na nga ay nagtitiis ako

Mapagbigyan ka lang ang lahat ay inaako ko

Ngunit bakit di mo parin pansin ito

Ako na nga lahat ang naglalaba

Ako pa rin lagi ang namamlancha

Namamalengke ako sa Divisoria, pinagluluto ka pa

Inaalmirol ko ang iyong palda

Kinukola ko pa ang panty mo't bra

Nahihirapan na ako

Nagmumukha na nga akong tangang gwapo dahil sa 'yo

Minsan naisip ko na nagkamali ako

Bakit nga ba umibig ako sa'yo

Nasilaw ako sa angking kagandahan mo

Ngunit ang ganda mo pala'y balatkayo

Pabulyaw na nga kung mag utos ka

Mainit pa ang ulo kung walang pera

Ipinahihiya ako sa barkada

Minsan binabatukan mo pa

Sa gabing malamig ay masungit ka

Pang nangalabi't ako'y sinisiko mo pa

Ano nalang ang dapat kong gawin

Pano ko pang muling masasabing ikaw ay akin

Napupuyat ako sa kakatimpla ng gatas ng anak nating nagiisa

Taga pagpalit ako ng diapers nya habang naghihilik ka

Kapag wala pang almusal sa umaga

Binabato mo na ako ng arinola

Di ko na yata makakaya pa

Minsan naisip ko ng umbagin ka na

Pero mahal kita

Pero mahal kita

Pero alam mo bang namumuro ka na

Namumuro Ka Na - LUKAS - 가사 & 커버