Bakit ka ba nagagalit sa akin
Bakit ako di mo pinapansin
Kulang pa ba ang
Pagmamahal na alay ko sa iyo
Di mo ang alam na nasasaktan ako
Tinutupad ko naman ang
Mga pangako sa iyo
Kahit hirap na nga,
Ay nagtitiis ako
Magpagbigyan ka lang
Ang lahat ay inaako ko
Ngunit bakit di mo parin pansin ito
Ako na nga lahat ang naglalaba,
Ako pa rin lage ang namamlancha,
Namamalengke ako sa divisoria,
Pinagluluto ka pa
Ina almirol ko ang iyong palda
Kinukola ko pa ang panty mo't bra,
Nahihirapan na ako
Namumukha na nga akong
Tangang gwapo dahil sayo
Minsan naisip ko nang nagkamali ako
Bakit nga ba umibig ako sayo
Nasilaw ako sa angking kagandahan mo,
Ngunit ang ganda mo pala'y
Balat kayo whooo
Pabulway na nga kung mag utos ka
Mainit pa ang ulo kong walang pera
Ipinahihiya ako sa barkada
Minsan binabatukan mo pa
Sa gabing malamig ay masungit ka
Pang nangalabi't ako'y sinisiko mo pa
Ano na lang ang dapat kung gawin
Pano ko pang muling
Masasabing ikaw'y akin
Whoooo hoooo
Napupuyat ako sa kakatimpla
Ng gatas ng anak nating nag iisa
Taga pagpalit ako ng diapers nya
Habang nahihilik ka haa
Kapag wala pang almusal sa umaga
Binabato mo na ako ng arinola
Di ko na yata makakaya pa
Minsan naisip ko nang umbagin ka na
Pero mahal kita
Woooo
Pero mahal kita
Pero alam mo bang
Namumuro ka na