menu-iconlogo
huatong
huatong
가사
기록
Malayo man ang distansya

Di man marinig ang boses

mong aking nakasanayan

Pipikit nalang muna

At papagalingin ang mga mata sa kaluluha

At hihinga ng malalim

At papakalmahin ang patalim

Tapos na ang laban

Chorus

Salamat sa saglit

Salamat sa sakit

Ako'y di magsisisi

Kahit di ka na sa akin

Kung bukas man ako ay lilingon

Makikita sa tabi sa minsa'y

sandali kang naging akin

Sa paghulma ng paalam

Di man madama ang pagbitaw

ng 'yong mga kamay

Pipikit nalang muna

Iiwas ng tingin

At aatras bago it bawiin

At hihinga ng malalim

At papakalmahin ang patalim

Tapos na ang laban

Chorus

Salamat sa saglit

Salamat sa sakit

Ako'y di magsisisi

Kahit di ka na sa akin

Kung bukas man ako ay lilingon

Makikita sa tabi sa minsa'y

sandali kang naging akin

Bridge

At sa pagbawi ng tadhana

Masakit man magpalaya

Doon ako kung san ka sasaya

Kung san ka malaya...

Chorus

Salamat sa saglit

Salamat sa sakit

Ako'y di magsisisi

Kahit di ka na sa akin

Kung bukas man ako ay lilingon

Makikita sa tabi sa minsa'y

sandali kang naging akin

Moira Dela Torre의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용