Titibo tibo
by: Moira Dela Torre
Elementary pa lang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae
e kasi
Imbes na Chinese garter laruan ko ay
teks at jolens
Tapos ka jamming ko lagi noon mga
sigang lalaki sa amin
Nung ako'y mag high school
ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din
ay babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko
ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves
na tshirts at faded na lonta
Pero noong nakilala kita nagbagong
bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag ahit
ng kilay atleast once a month
Hindi ko alam kung anung meron ka na
sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag aakalang lalake pala ang
bibihag sa tulad kong tigreng gala
Kahit ako'y titibo tibo
Puso ko ay titibok tibok parin sa'yo
Isang halik mo lang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw araw mong pag ibig
Sa'king buhay nagpapasarap
Nung tayo'y nag college ay saka ko
lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sahalip na tsokolate at tipikal na mga
diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga
kanta mong pabebe
Kaya nga noong makilala kita alam ko
na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at
napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero di mo naman inasam na
ako ay magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit
na kape ng iyong pagmamahal
Kahit ako'y titibo tibo
puso ko ay titibok tibok para sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay
tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw araw mong pag ibig
Sa'king buhay nagpapasarap