Kahit anong pait ng paghihirap ko
Ang pag-asa ko'y laging nasa iyo
Pagsubok man ay dumating
Sa tulong Mo ay handa kong harapin
Mga kabiguan man ay danasin ko
Ang tiwala ko'y laan lamang sa Iyo
Ang puso ma'y mamighati
Ako'y mananatili sa Iyo pa rin.
Pumapatak ang luha ko
Sa hapis kong nadarama
Ngunit ang aking katapata'y hindi magbabago
Ako'y sa Iyo
Ang buhay ko'y handog na sa Iyo, Ama
Kaya ako'y maghihintay
Sa Iyong pagliligtas
Ang Iyong pag-ibig ay dama sa aking buhay
Kaya Ikaw ay paglilingkuran hanggang wakas

Pananaw ang buhay kong ito
na umaasa sa iyong pangako
na ang putong ng buhay ay aking kakamtan
pagsapit doon sa bayang banal
Kaya ako'y maghihintay
Sa Iyong pagliligtas
Ang Iyong pag-ibig ay dama sa aking buhay
Kaya Ikaw ay paglilingkuran hanggang wakas