Sa buhay natin
Mayroon isang
Mamahalin,
Sasambahin.
Sa buhay natin,
Mayroon isang
Bukod tangi sa lahat,
At iibigin ng tapat.
Ngunit sa di sinasadyang
Pagkakataon
At para bang
Ika'y nilalaro
Ng panahon.
May ibang makikilala,
At sa unang pagkikita,
May tunay na pag ibig
Na nadarama.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y malaya pa.
At hindi ngayon ang puso ko'y
May kapiling na.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y nag iisa.
Sino ang iibigin?
Ikaw sana
Di mo napapansin,
Sa bawat araw
Na kasama mo sya,
Kapiling ka nya.
Bawat sandali
Punung puno
Ng ligaya't saya,
Damdamin ay iba.
At sa di sinasadyang
Pagkakataon,
At para bang ika'y
Nilalaro ng panahon.
Bigla kayong nagyakap,
Mga labi nyo'y naglapat,
Ang inyong mga mata'y
Nagtatanong at
Nangangarap...
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y malaya pa.
At hindi ngayon ang puso ko'y
May kapiling na.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y nag iisa.
Sino ang iibigin...
Ikaw sana...
At sa di sinasadyang
Pagkakataon,
At para bang ika'y
Nilalaro ng panahon.
Bigla kayong nagyakap,
Mga labi nyo'y naglapat,
Ang inyong mga mata'y
Nagtatanong at
Nangangarap.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y malaya pa
At hindi ngayon ang puso ko'y
May kapiling na.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y nag iisa.
Sino ang iibigin?
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y malaya pa.
At hindi ngayon ang puso ko'y
May kapiling na.
Bakit ba hindi ka nakilala ng
Ako'y nag iisa.
Sino ang iibigin
Ikaw sana