Sandal mo sana
Ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay
Aking kukumutan
Mga problema'y
Iyong malilimutan
Habang tayo'y
Magkayakap sa dilim
Huwag mong pigilin
Kung nais mapaluha
Pakiramdam mo
Sana'y guminhawa
Kung gusto mo
Ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap
Sa dilim yeah
Heto na ang
Pinaka-hihintay natin
Heto na tayo magkayakap
Sa dilim
O kay sarap ng mga
Nakaw na sandali
Habang tayo'y
Magkayakap sa dilim
Halika na at
Sumiping na sa kama
Lasapin natin ang sarap
Ng pagsasama
Sa 'ting pag-ibig
Tayo ay umaasa
Habang tayo'y
Magkayakap sa dilim
Panalangin ko
Sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag
Ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin