menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Tuwing Umuulan

Regine Velasquezhuatong
sunnyvermahuatong
가사
기록
Pagmasdan ang ulan unti unting pumapatak

Sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim unti tunting bumabalot

Sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda

Kasabay rin ng hanging kumakanta

Maaari bang huwag ka nang

Sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na

Maaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka

Huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo

Dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Maaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka

Huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo

Dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Regine Velasquez의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용

Tuwing Umuulan - Regine Velasquez - 가사 & 커버