hmm ahhh...
Sa panaginip nabuo
Ating pangarap ay nagkatotoo
Isang pangako ang ating sinampit
Tayo'y laging maglalapit
Di aalis...
Ngunit ang panahon ay nagbabago
Ang tuwa at ang saya ay naglalaho
Sa pagsapit ng gabi ang damdamin mo'y
Naglaho
Saan nagkukubli ang masasayang mga ngiti
At saan humihimlay
Ang dating kulitan at away
Oh kailan mahahanap ang nagtatago
mong yakap
Sagot sa ating tanong
Sana'y makamtan ngayon
At sa pag ikot ng mundo
Di maiwasan ang tayo'y magkalayo
Bawat pangarap ay nais abutin
Kahit sakit ay dadamhin
Titiisin...
Minsan ang tadhana'y nagbibiro
Pangarap na nais ay guguho
Sa iyong pag iisa
Ang puso mo'y nagtatanong
Saan nagkukubli ang masasayang mga ngiti
At saan humihimlay ang dating
kulitan at away
Oh kailan mahahanap ang nagtatago
mong yakap
Sagot sa ating tanong
Sana'y makamtan ngayon
Oh nananabik sayong pagbabalik
Sayaw ng puso ay muli nating tanggapin..
Saan nagkukubli ang masasayang mga ngiti
At saan humihimlay ang dating
kulitan at away
Oh kailan mahahanap ang nagtatago
mong yakap
Sagot sa ating tanong
Sana'y makamtan ngayon