‘Tong alay kong harana
Para sa dalagang
Walang kasing ganda
Amoy rosas ang halimuyak
Kung nanaisin ng
Tadhanang mapanlinlang
‘Di hahayaang, mawala pa
‘Tong liham na umaasang
Mata mo ang makabasa
Handang gawin lahat
Maging pamilya’y liligawan
Ngayon lang nakadama
Ng wagas na pagkamangha
Hiling ko lang naman na...
Tayo na sanang dalawa
Ang syang huli at ang umpisa
Papatunayang ang unang
Pag-ibig ay 'di mawawala.
Nakailang tula na,
Ba’t tila 'di napupuna?
Ang tangi kong hiling
Hanggang dulo, ikaw ang kapiling
Kung puwede lang hanggang
Pang magpakailanman
Hinding hindi na papakawalan, kailanman.
Ang dating tamis ng
pagsasama, nasa'n na?
Ba't sa'ting dal’wa,
ako na lang ang natira?
Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?
Handang tahaking mag-isa,
kahit wala ka na
(Instrumental)
Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na
Kahit na 'di na tayo magsasama pa
Dinggin mo lang ang
hiling na mag-iingat ka
Oh, Leonora kong sinta
Ahh-ah
Hindi man tayong dalawa
Ang syang huli at ang umpisa
Liham ko ma'y matatapos na
Pag-ibig ko'y habang-buhay na
........
***PLS. HIT LIKE THANK U ***