Tulad mo ay bituin sa langit
Nagbibigay ningning sa buhay KO
Binigyan mo ako ng sapat na lakas
At pag-asa para mabuhay
Ang buhay KO noon ay bigung-bigo
Dahil nasawi sa PAG IBIG
Ikaw ay dumating para iparamdam
Ang PAG IBIG na kay sarap at kay tamis
ikaw ang bagong pag-ibig na bigay ng DIYOS
Nagpapasalamat ako’t ikaw ay dumating
Huwag na sanang ikaw ay mawala muli
Dahil hindi KO na makaya ang mabigo
Marahil ikaw na nga ang hinihintay
Ang katuparan ng pangarap KO
PAG IBIG na walang hanggan, habang buhay
Pag-isahin tayo ng MAYKAPAL
ikaw ang bagong PAG IBIG na bigay ng DIYOS
Nagpapasalamat ako’t ikaw ay dumating
Huwag na sanang ikaw ay mawala muli
Dahil hindi KO na makaya ang mabigo
ikaw ang bagong PAG IBIG na bigay ng DIYOS
Nagpapasalamat ako’t ikaw ay dumating
Huwag na sanang ikaw ay mawala muli
Dahil hindi KO na makaya ang mabigo
Dahil hindi KO na makaya ang mabigo