Ano ang iyong pangalan 
Nais kong malaman 
At kung may 
Nobyo ka na ba 
Sana nama'y wala 
'Di mo ko masisisi 
Sumusulyap palagi 
Sa'yong mga matang 
O kay ganda o binibini 
O ang isang katulad mo 
Ay 'di na dapat pang pakawalan 
Alam mo bang 'pag naging tayo 
Hinding hindi na kita bibitawan 
Aalagaan ka't 'di papabayaan 
Pagkat ikaw sa'kin ay PRINSESA 
O magandang DIWATA 
Sana'y may PAGASA 
PAGIBIG ko'y aking sinulat 
At ikaw ang pamagat 
Sana naman ay mapansin 
Himig nitong damdamin 
Na walang iba pang hinihiling 
Kundi ikaw ay maging akin 
O ang isang katulad mo 
Ay 'di na dapat pang pakawalan 
Alam mo bang pag naging tayo 
Hinding hindi na kita bibitawan, 
Aalagaan ka't 'di papabayaan 
Pagkat ikaw sa'kin ay PRINSESA 
Di ako naglalaro 
Di ako nagbibiro 
Pagbigyan mo lang SINTA 
Nang sayo'y mapakita 
Na ang isang katulad mo 
Ay 'di na dapat pang pakawalan 
Pangako kong pag naging tayo'y 
Araw araw kitang liligawan 
O ang isang katulad mo 
Ay 'di na dapat pang pakawalan 
Alam mo bang pag naging tayo 
Hinding hindi na kita bibitawan, 
Aalagaan ka't 'di papabayaan 
Pagkat ikaw sakin ay PRINSESA 
Prinsesa...