Di na para pa sabihin, alam ko na
Salita na bibitawan ay narinig mo na
Sa iba na nangako sayo
Ang malas ko lang nahuli na ako
Di kita masisi kung takot kana
Kung paulit-ulit lang ang nadama
Sana lang maisip mong hindi yun ako
Ang akin lang naman ay pagbigyan
At malaman mo na iba ako
Pano kung di na magkamali at masaktan ka
Sasamahan kitang buuin hanggang matutunan
Umibig muli kahit sandali
Subukan mo na
Alam kong hindi to madali
Pero tandaan mong hindi ako siya
Oooh di ako siya ooooh
Kahit ano pang sabihin di parin uubra
Di kana makatingin dahil nabulag kana
Wala naman kasing may gusto
Na lagi nalang masaktan
Pero pano kung nasa harapan
Mo lang pala yung taong iingatan ka
Hanggang mabitawan ang dala dala
Hindi aalis pag hindi na masaya
Hindi ka hahayaang mag-isa
Anong malay mo baka hindi na
Pano kung di na magkamali at masaktan ka
Sasamahan kitang buuin hanggang matutunan
Umibig muli kahit sandali
Subukan mo na
Alam kong hindi to madali
Pero tandaan mong hindi ako siya