menu-iconlogo
logo

Hindi Naman

logo
Lirik
Kala ko dati ako ung problema

Di naman pala araw araw ko na lang hinihiling ang mga dahilan kung bakit

Wala ka nang nadarama pintuan at bintana pwede ba na ating isara

Kahit sandali na lang di na lang aaminin ang nilalaman

Idadaan ko na lang sa

Paraan na ako at ikaw lang ang tanging makakaalam

Binuksan ang mga talukap (talukap)

Nakatanaw sa ulap (ulap)

Isip ay di mahagilap (gilap)

Ayaw ko ng kausap (usap)

Handa kahit mag isa (isa)

Kita sa'king mata (mata)

Hirap na'king dinanas hanggang ngayon ay pasan ko pa

Mga buto ng tagumpay itinanim ko sa ilalim ng lupa

Lumusong sa putikan di magmamalinis hanggang sa merong makuha

Diniligan gamit ang pawis hindi na titigil kahit pa lumuha

Basta pag dating ng ulan ako ay nakasilong sa'king pagbubunga

Pero ano ba

Ano ba ang kahulugan nitong lahat

Kung wala kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong masaya ka ba na mag isa walang katulong

Diba diba hindi naman

Di naman hindi naman diba hindi naman

Di naman hindi naman

Kung wala ka ring kasama sa silong masaya ka ba na mag isa walang katulong

Lahat ng aking oras (lahat ng aking oras)

Sayo ko pinaparanas (sayo ko pinaparanas)

Ika'y aking sakit (ika'y aking sakit)

Ikaw din ang aking lunas (ikaw din ang aking lunas)

Malaya pero sayo ay nakaposas rosas na labi

Na minsa'y nagdampi ang pagtupi ng dahon at daloy ng alon

Parte na lamang ng aking mga kahapon

Pero ano ba

Ano ba ang kahulugan nitong lahat

Kung wala kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong

Masaya ka ba na mag isa walang katulong

Diba diba hindi naman

Di naman hindi naman diba hindi naman

Di naman hindi naman

Kung wala ka ring kasama sa silong masaya ka ba na mag isa walang katulong

Pero ano ba (ah)

Ano ba ang kahulugan nitong lahat

Kung wala kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong (ah)

Masaya ka ba na mag isa walang katulong

Diba diba hindi naman (ah)

Di naman hindi naman diba hindi naman

Di naman hindi naman

Kung wala ka ring kasama sa silong masaya ka ba na mag isa walang katulong (ah)