menu-iconlogo
logo

Urong Sulong

logo
Lirik
bakit ba

kung kailan ka'y naisip na bibitawan, ikaw yung paraiso 'di ba

wag ka nang mag alinlangan satin,

'di ka iiwanan ikaw yung tahanan 'di ba (diba)

kahit san man tayo magpunta, tinadhanang magkikita (diba)

kung ang oras man ay humadlang,

pipiliting balikan

alas dose ng gabi dilat pa din ating mata

kahit hindi mag katabi,

kahagkan pa din kita

sulyap ko mga ngiti mo magmula sa kabila

ramdam ko din ang takot dahil ikaw ay nagdududa

kung sigurado ka ba sakin

kung dapat bang ikaw ay maging akin at lahat

ay isugal sa di tiyak na tatahakin mong landas

iniisip na lahat ng to ay matatapos at biglaan nalang kukupas

pagdating ng panahon aakalain ay ikukulong sa kahon

iiwanan pag nag karoon ng pagkakataon

kahit problema'y mala ambon lang

aba mali ka kung ganon

hinding hindi ko saiyo magagawa iyon kaya sakin na lang

itugon ang pansin pag tingin ko sayo ay walang kahambing bakit

ba kung kaila ka'y naisip na bibitawan, ikaw yung paraiso 'di ba

wag ka nang mag alinlangan satin,

'di ka iiwanan,

ikaw yung tahanan

'di ba di ka pinipilit maniwala pero alam kong

ramdam mo diba tama tamang hinala kapag kasama,

oo kakaiba mga gulo sa isip mo'y di alinta kaya wag

mababahala na sumama sakin sabay ka lang sa biyahe wag kang bababa

sa'kin magtiwala ka matakot man ganon lang talaga sasaluhin

kita, dadalhin kita ipapasan ka sa likod kapag napagod ang paa

hindi ka mananalo kung hindi ka susugal sa laro ng puso

at lalong hindi kita sasalubungin para lang

sumalungat at iwan kang mag-isa sa mundong mapaglaro

alam ko na gusto mo din

kaya wag kang magbibiro malilito dahil tunay ang pag-ibig ko

kahit san man tayo magpunta, tinadhanang magkikita (diba)

kung ang oras man ay humadlang, pipiliting balikan (diba)

kahit san man ako magpunta, tinadhanang magkikita (diba)

kung ang oras man ay humadlang, pipiliting balikan