Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo?
Ang sabi mo'y ako ang tanging nasa puso mo
Hanggang wakas di maglalaho
Pangako mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba mahal ko?
Kapag ako'y nag iisa aking nadarama
Kalungkutan sa buhay ko
nais ko'y makasama ka
Hanggang sa panaginip ko ikaw ang aking nakikita
Hinding hindi magagawang limutin ka
Awit ko'y iyong pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pag ibig ko'y tanging sa'yo sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako sana'y laging magkapiling
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo?
Ang sabi mo'y ako ang
tanging nasa puso mo
Hanggang wakas di maglalaho
Pangako mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba mahal ko?
Ako'y iyong iyo ngayon at kailanman
At sa piling mo ligaya ko'y natagpuan
Nagdulot ka ng pag asa
Tanging ikaw ang ligaya
At magpakailan pa man tayong dalawa
Awit ko'y iyong pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pag ibig ko'y tanging sa'yo sinta
Ikaw ang lahat sa akin ang pakamamahalin