Pagkagising sa umaga
Hesus ikaw ang nasa isip
Kaya't ang buong
Katawan ko'y
Punong- puno ng pag- ibig
Katawan ko'y napapaindak
Puso ko'y umaawit
Ang mga kamay ay kumakaway
Sa tugtuging makalangit
Beywang ko'y kumekembot
Paa ko'y nag cha- chacha
Mga kama'y kumakaway
Nagpupuri buong sigla
Lumulundag pa sa tuwa
Sumasayaw kumakanta
Ito ang tanging
Alay ko sayo Ama
Si Hesus ang lahat sa buhay
Kung kaya't may saya
Si Hesus ang lahat sa
Buhay kung kaya't may saya
Problema'y dumarating
Ito'y kanyang lulutasin
Hesus
Si Hesus ang lahat sa
Buhay kung kaya't may saya
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos 'di kumukupas
'Wag ka nang malungkot
Oh praise the Lord
Ang mga isda na lumalangoy
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Ang mga isda na lumalangoy
Ay mahal ng Diyos
'Di kumukupas
'Wag ka nang malungkot
Oh praise the Lord