Bagong pitas na kangkong ang aking hinahanap
Hindi ko kailangan ng puting sibuyas
Ang kailangan ko ay pula
Na galing Nueva Ecija
Dinikdik na luya pantanggal ng lansa
At hinding-hindi pwedeng mawala
Ang siling haba na binilin ni lola
Kuya sir idol pogi ang malimit na tawag sa akin
Suki suki suki
Ang pipiliin ko ang isang kilong bangus na may libreng isang tumpok na kamatis
Okra labanos sitaw at sampalok
Talong talong talong pwede bang magtanong
Kailangan pa ba ng talong