Mayro'ng isang binata
Akala mo kung sino
Kung s'ya ay kumilos
Daig pang may trono
Kung s'ya ay matulog
Daig pa ang lolo
Gising na, oh kuya ko
Ang hilig ng binata'y
Mag goodtime ng mag goodtime
Di man n'ya naisip
S'ya rin ay tatanda
Darating ang araw
Wala nang kinabukasan
Gising na, oh kuya ko
Maghanap ka ng trabaho
Magbanat ka ng buto
Pagbigyan ang 'yong magulang
Dinggin mo, oh kuya ko
Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang 'yong pagbangon
Pag huli na ang lahat
Mayro'ng isang binata
Hindi na s'ya natuto
Akala n'ya ang buhay
Gawang biro ito
Hindi man n'ya naisip
Lahat ay may dulo
Gising na, oh kuya ko
Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang 'yong pagbangon
Pag huli na ang lahat
Gising na hah,
oh kuya ko ...