Kung alam mo lang kung sino ka sa buhay ko (sana'y marinig mo 'to)
Ikaw ang simula at ang papupuntahan ko (at 'yan ang totoo)
Parang eroplanong papel na hinagis nang malakas
Tangayin sana ng hangin sa landas
Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
May bago si idol, idol, idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta
Idol, lodi, 'dol ('dol)
Puwede ka ba na magsampol? (-pol)
O kaya, puwede pa-arbor (-bor)
Ng kanta kahit na love song?
Gustong-gusto kasi kitang makakolabo
Talagang malupit, parang 'di ka na tao
'Di nagtitipid, 'di rin nagigipit
Ang tanong ko lang (idol, puwede pa-picture?)
Sabi ng marami, mabait ka daw, legit ka raw
Marunong magbalik-tanaw
Napapa-"Wow" ako sa kada spit, galaw
Hindi sabaw kapag ikaw nagkakalaw
Natatangay, lahat ay napapasabay
Naglalaway kapag ikaw nagpapanday
Nangangalay ako sa kakapalakpak
Nagagalak na parang may alak sa hapag-kainan
Laging bundat sa kaalaman
Kapag ikaw ang napapakinggan
Sana magkaro'n ng pagkakataon
Na ikaw ay aking malapitan
Magpapapirma sa tagiliran
Ipapatato ko sa 'king pinsan
Nang hindi ka na mabura
Nakatatak ka na sa 'king puso at isipan
Kung alam mo lang kung ga'no kaangas
Kakalabasan ng kanta 'pag tayo nagsama
'Di mo man ako mapansin ngayon
Gagalingan hanggang sa mahanap ang daan
Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
May bago si idol, idol, idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta
Mga obra mo'y nasa memorya ko
Kabisa ko lahat ng mga istorya mo
Pati porma, damit, at lonta ay kinokopya ko
Idol, sa 'yo suporta ko
Ikaw ang dahilan kung bakit ginagalingan ko palagi
Sana makasagi sa bahaghari
At dumating ang pagkakataon
Sa kanta tayo ay pagtabihin
Alam ko naman na imposible maganap
Makaharap ko isa sa mga bituin
Sa ngayon, idadaan ko muna sa dasal
Pero sisikapin ko doon makarating
Kahit kulang sasabihin
'Di man ako mapabilang sa pinakamagaling
Ay tutulayin ko't tutuparin
Dahil sa musika mo ay nabago
Pananaw ko bilang tao na laging talo
At kung bibilangin ay 'di matanaw
Kung may bilang pa ba 'ko
Salamat sa inspirasyon
Dahil sa 'yo, nakabangon ako't kumalag
At pumalag sa mga hamong nakaamba
Sa aking paglalayag
At sana dumating ang pagkakataon
Na tayong dalawa ay magkasalo sa awitin
Lahat ay gagamitin, ano man ang sapitin
Wala akong paki maging alalay o alipin (alipin)
Ikaw ang anito ko, ako ang anino mo
Oh idolo, ako'y nakahandang sumunod sa yapak
Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
May bago si idol, idol, idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta
Sana madinig mo ang mga nagawa kong awit (kung alam mo lang kung sino ka sa buhay ko)
Ito ay bunga ng paghanga ko sa 'yo at matinding pagkahumaling
Lahat ng oras kong natitira ay sa 'yo ko lang ibinabaling (ikaw ang simula at ang papupuntahan ko)
Kahit na parang ang pagkatao ko ay unti-unti nang kinakain
Ng pagkasabik at pagkalulong ko sa 'yo
Ayaw kang mawala sa mata ko
Gusto ko na mapunta sa tabi mo
Kahit ayaw mong mapunta sa tabi ko
'Di ako mapakali, nagmadali
Nagpadala ng mensahe
Tumawag ako, sinagot sandali
Pero wala namang sinabi
Pagkababa ng telepono
Tila mas lalong tumindi ang kagustuhan ko
Na makita't makasama ka
Para na akong nahihibang
Kaya inalam ko kung saan ka umuuwi't nakatira
Kung saan at kailan ka ulit maiimbita
Kung ayaw ng tadhanang pagtagpuin tayong dalawa
Hindi na 'ko aasa, ako na mismo ang gagawa ng paraan
Kaya tinambangan ko ang iyong tagamaneho sa paradahan
Inantay ko tumalikod bago ko siya bakbakan
Sinuot ko damit niya, sabay upo sa harapan ng sasakyan
'Tsaka ka inabangan
Pagpasok mo sa loob, agad kitang sinarahan
Pinatakbo nang mabilis na parang siga sa daan
Habang tumutunog ang kanta kong 'di mo pinakinggan
Tagal ko na inasam na makasama ka man lang
Ang tangi kong hinihiling, kahit sa isang kanta lang
"Itigil mo na 'to, oh, parang awa mo naman"
Ngayon, ano'ng pakiramdam nang hindi pinapakinggan?
Hindi na 'to mangyayari kung sana pinabayaan mo man lang ako
Na ikaw ay aking makakamayan
Ngayon ay habang-buhay mo 'kong pakikisamahan
Dahil magsasama na tayo hanggang sa kamatayan, idol
Parang eroplanong papel na hinagis nang malakas
Tangayin sana ng hangin sa landas