menu-iconlogo
logo

Kagat ni Eba

logo
Lirik
Aasa, maniniwala

Sasama, sa ngalan ng pagmamahal

Dinaya kahit nagparaya

Kinaya kahit pa sinasakal

Mahuhumaling sa maamo mong mukha

'Di akalain na sa 'yo magmumula

Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit

Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit

'Pag gumanti si Eba, kahit ahas ay aamo

Gusto mo ng pruweba? Katinua'y maglalaho

'Pag gumanti si Eba, lahat ng malinaw, lalabo

Simula na ng giyera, 'pag gumanti si Eba

'Pag gumanti si Eba

'Pag gumanti si Eba

Pinitas ka na parang mansanas sa puno

Binuhusan ng yaman, binalutan ng luho

Kastilyong buhangin na sa alon gumuho

Sa wagas na sumpaan, may isang sumuko

Ikaw ay pinapaniwala na aalagaan

Lagi kang iingatan, hindi ka papabayaan

Matitinik na rosas sa 'yo ay pinapatapakan

Dahil wala nang totoo sa hardin ng bulaan

Kahit ang pako ay nasasagad, ang duwag pumapalag

Gapos ay nakakalag, lason ay tumatalab

Liham ay nagliliyab, haligi ma'y natitibag

Alaalang parang salaming nagkabasag-basag

Hinayaan mo kasing uhaw

Naasiman na sa lahat ng mga pangako mong hilaw

'Di mo inakala na siya mismo ang tutuklaw

At ang siyang magtatapos sa ang nagsimula ay ikaw

Mahuhumaling sa maamo mong mukha

'Di akalain na sa 'yo magmumula

Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit

Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit

'Pag gumanti si Eba, kahit ahas ay aamo

Gusto mo ng pruweba? Katinua'y maglalaho

'Pag gumanti si Eba, lahat ng malinaw, lalabo

Simula na ng giyera, 'pag gumanti si Eba

Aasa, maniniwala

Sasama, sa ngalan ng pagmamahal

Kagat ni Eba oleh Gloc 9/Thyro Alfaro - Lirik dan Liputan