Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag ingat sa pag sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do'n sa'min sumama ka sa'min
Do'n sa'min lumapit ka sa'min
Do'n sa'min makinig ka sa'min
Do'n sa'min
Sisikat ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Yayaman ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Pakinggan mo dahil dahil
Do'n sa'min
Ang mga kwento ng industriya
Pare tignan mo sisikat din ako di nga
Ito ay ang mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo na iba't iba ang kulay
Ilaw na patay sindi kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi
Pero ito ang dinasal ito ang hinagilap
Kapalit ng pag aaral kahit tila mahirap
Habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili
Matulin tuling bunutin pag natibo ka ng bote
Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mong ang puhunan mo'y dugo at luha
Meron kang dala dalang 'di alam ng iba
Lamunin man ng kaba in ensayo mo na
At hinding hindi ka papayag na 'di mo maabot
Kahit ulitin pa'ng iyong layag laot na mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa 'yan ay kanyang lalampasan
Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag ingat sa pag sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do'n sa'min sumama ka sa'min
Do'n sa'min lumapit ka sa'min
Do'n sa'min makinig ka sa'min
Do'n sa'min
Sisikat ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Yayaman ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Pakinggan mo dahil dahil
Do'n sa'min
Ang mga kwento ng industriya
Oy si idol
Mayabang naman
Liwanag na nakakasilaw silaw di mula sa araw araw
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw baw
Sigawan ng mga tao kahit saan magpunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba
Kahit ano iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin
Sa bilis ng pangyayari hindo mo namalayan
Bagong bahay lote kotse lupa't kayamanan
Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
Ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang
Palaging naka akbay gusto kang sabayan
Sa daan papayongan ka kapag umuulan
Ika'y na wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng 'yong hawak naging bangungot ang
Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag ingat sa pag sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do'n sa'min sumama ka sa'min
Do'n sa'min lumapit ka sa'min
Do'n sa'min makinig ka sa'min
Do'n sa'min
Sisikat ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Yayaman ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Pakinggan mo dahil dahil
Ang mga kwento ng industriya
Uy kilala mo ba yun
Oo laos na yan eh
Panahon ay dumaan naging pangilan ilan
Ang pagsampa ng entablado nakalimutan
Ang mag awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upunan ang nakikinig lang ay ikaw
Sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
Di Mo matanggap kasi wala ng nakaka alala
Dumating ang tag tuyot ng walang kamalay malay
Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay
No'ng sagana sa lahat madami kang kaibigan
Na akala mo ay hinding hindi ka tatalikuran
Iyong napag alaman ng ika'y mapag iwanan
Matapos ang lahat ikaw ang pinagtatawanan
Dahil na wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang
Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag ingat sa pag sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do'n sa'min sumama ka sa'min
Do'n sa'min lumapit ka sa'min
Do'n sa'min makinig ka sa'min
Do'n sa'min
Sisikat ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Yayaman ka
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Pakinggan mo dahil dahil
Ang mga kwento ng industriya
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Do'n sa'min
Pakinggan mo
Ang mga kwento ng industriya