menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Alaala Nalang

Hambog Ng Sagpro Krew/Lunahuatong
hsoidiooshuatong
Lirik
Rakaman
Hindi ko ginusto ang

ilayo ako sayo mahal

Ngunit ito ang desisyon

ng tadhana at may kapal

Alam ko din ako'y

magtatagal sa lugar na to

Na kung saan wala ka

kaya kulang kulang ako

Hindi lang araw hindi lang

buwan kundi ilang taon

Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon

Sa tingin ko hinde hindi ko kaya

Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka

Wala ka na dito sa aking tabi

kaya di na mapigil ang luha

Gusto kitang makapiling mayakap

mahalikan yun lang di ko pa makuha

Dahil ilang kilometro at milya ang

ating distansya at ating pagitan

Pangungulila ko sa iyo yan ang

resulta ng aking biglaang paglisan

Di ito madali para sayo ngunit

mas hindi madali to para sakin

At alam kong hindi tayo magkakalapet

kahit sa isang libong dalangin

Nadadama ang lungkot at puot

hinagpis at ang pagkabigo at pasakit

Ngunit gaano ka man kalayo saking

puso palagi ka ditong malapit

CHORUS:

Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin

inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako

2nd verse:

Binibilang ang mga araw

hanggang saking pagalis

Habang palapit ng palapit

lalo akong nagtitiis

At tinatago ang namumuong

lungkot saking damdamin

Di mo lang alam di ko na

kaya di ko lang maamin

Dahil sabi mo sa akin

masaya ka para sakin

Di mo lang alam ako'y

nalulungkot na para satin

Dahil tayo'y magkakalayo

ng walang kalaban laban

Ang masakit pa doon kung

kelan pa tayo nagmamahalan

Nagmahalan tayong dalawa

ngunit bakit ito naging plano

Ng kapalarang naging malupet

ako'y inilayo sayo ng eroplano

Habang ako'y nasa himpapawid

ako'y nakatingin sa mga alapaap

At iniisip na sa alaala nalang

ba kita muling makakayakap

At sa gabi nakatitig sa mga

larawan na katabi ko saking kama

Nakatingin at tinatanong dito

na lamang ba tayo magkakasama

Nasa malayo na ang aking

katawang tao at parang pinipilas

Dahil puso ko'y naiwan

jan sayo sa Pilipinas

CHORUS:

Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin

inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako

3rd Verse:

Ang pilitin kong limutin

na sa buhay ko'y wala sya

Ay parang pilit sinusuot

singsing na hindi kasya

Dahil habang pinipilt

mas sumasakit ng todo

Kaya buhay ko ay parang

musikang wala sa tono

Di ba pwede naman

magsama ang nagmamahalan

Di ba pwede naman

wala na din ang hiwalayan

Di ba pwede naman

sa pagibig walang hadlang

At pwede ba sya ay ibalik nalang

Walang matarik na bundok

walang karagatang malalim

Na aking tatawirin

maibalik ka lang sa akin

Dahilan kung bat nabuhay

sakin ang pagkasawi

Ay ang pagibig nating

tamang nasa oras na mali

At sana wag mo palitan

jaan sa puso mo pangalan

Ng lalake na nagsabe

na "mahal kita paalam

At magingat palage" noong aalis na sya

At higit sa lahat "Mamimiss kita"

CHORUS:

Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin

inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako

4th Verse:

Paano na ko mamumuhay nito

kung sa piling ko ay nawala

Ang nagiisang minahal ko makasama

ko sya ay isa nalang bang himala

Alam ko na sa oras na to ay nakikinig

kang pinipigil mo ang pagiyak

Sige ilabas mo wag pigilin ang

emosyon ng iyong puso na nagkabiyak

Dahil ang alaala nating dalawa

ay nagiwan ng sugat na nakamarka

Sino ba naman ang hindi masasaktan

kapag nalayo ang tao na mahal ka

At kung minsan naisip ko din na wag

nang ituloy itong nagawa ko na kanta

Dahil malamang pag narinig ko

ito sigurado na maaalala kita

Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon

naten ay kusang bumabalik ang

Mga nakaraan kaya titulo ng

kanta ko ngayon ay alaala nalang

Dahil sa alaala nalang umiikot

ang aking isipan na nalilito

At prisensya ng pagmamahal mo sa

akin ay dala ko lagi at naririto

HIndi man kita nabigyan ng materyal

pero di mo alam may iniwan ako

Ito ang isang bagay na di maluluma

yun ay ang pagmamahal ko sa iyo

Sana pagkaingatan mo yan hanggang sa

oras na ikaw ay muli kong balikan

Dahil ipinangako di na ko iibig

sa puso ko di ka mapapalitan

CHORUS:

Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin

inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako

Lebih Daripada Hambog Ng Sagpro Krew/Luna

Lihat semualogo

Anda Mungkin Suka