Bakit ba ako nasasaktan mga luha’y 'di mapigilan
Ngayon nagtatanong kung bakit pumayag sa walang kasiguraduhan
Bakit mo ba sinimulan kung aalis ka rin naman
Iiwan mo lang pala ‘ko ng luhaan bigla ka na lang 'di nagparamdam
Bakit mo ba pinakita na ako’y mahalaga
Ngayon ako’y nagdurusa dahil iniwan mong 'di pa handa
Bakit mali bang hanapin ko kung may lugar ba ako sa puso mo
Para san pa ba ang lahat ng ito kung 'di naman naging tayo
Sa una lang pala ang pag ibig mo
Ang pinaramdam mo unti-unti ko nang nalalaman na 'di pala totoo
At kung 'di mo sana ako sinanay sa pag-ibig na 'di tunay
'Di na sana nasaktan at nabigo
Sana pala ng una palang iniwasan ko na aking nararamdaman
Kung una palang nalaman ko na ako pala ay ‘yong paglalaruan
'Di na sana ako naniwala sa lahat ng 'yong pinapakita
Para 'di na 'ko umasa na magiging tayong dalawa
Ako naman 'tong tanga basta sinabi mo pupuntahan kita
Kahit anong oras pa kahit delikado na basta makasama lang kita
Mali palang hanapin ko dahil walang lugar sa puso mo
Para san pa ba ang lahat ng ito kung 'di naman naging tayo
Sa una lang pala ang pag ibig mo
Ang pinaramdam mo unti-unti ko nang nalalaman na 'di pala totoo
At kung 'di mo sana ako sinanay sa pag-ibig na 'di tunay
'Di na sana nasaktan at nabigo
Gusto ko lang na malaman mo na may damdamin din ako
Hahanapin mo lang kung kailan mo lang gusto
Kaya minabuting umiwas na lamang sa'yo
Kahit pa na masaktan sa'king paglayo
Bakit pa ba pinaibig pa pinuyat mo lang 'di naman pala tayo sa isa’t isa
Bakit umasa pa sa salitang ‘di katulad ng iba
Kahit ano pang sinabi ko walang karapatang magalit sa'yo
Oo dahil sino ba naman ako kung 'di naman naging tayo