Sa piling ba n'ya'y ikaw ay may lungkot na nararamdaman?
Damdamin mo ba'y 'di maintindihan?
At sa tuwing ako ang nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan?
Nandito lang ako, naghihintay sa 'yo na mapansin
Ang aking damdamin na para lang sa 'yo, oh
Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, pag-ibig ko sa 'yo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo, ooh
Na mahal kita
Sa piling ba n'ya'y ikaw ay may sakit na nararamdaman?
Damdamin mo ba'y sinasaktan?
At sa tuwing ako ang nasa iyong panaginip
Na tayong dal'wa'y masayang magkapiling
Nandito lang ako, naghihintay sa 'yo na mapansin
Ang aking damdamin na para lang sa 'yo, oh
Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, pag-ibig ko sa 'yo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo, hmm
Na mahal kita, ah
Sana'y pagbigyan ang nadaramang ito
Sana'y masabi mo na mahal mo rin ako. woah ooh..

Hooo...