menu-iconlogo
logo

Malayo Ka Man

logo
Lirik
Malayo Ka Man - Jr Crown/Kath/Cyclone/Young Weezy

Lyrics by:Dan Leo Villanea

Composed by:Dan Leo Villanea

Malayo ka man mahal lagi mong tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang

Tawid dagat man ang pagitan nating dalawa

'Di 'yon makakahadlang

Kahit malayo ka man

Mahal kamusta ka na

Mag-iingat ka palagi 'wag kang mag-alala

'Di man kita makasama ngayon

Pero hindi 'yon rason

Para ako ay maghanap pa ng iba

Sapagkat ako'y kuntento na sa'yong-sa'yo lang ako

Ikaw ang kumumpleto sa mundo ko at bumuo

Kaya wala ng dahilan para ako'y magloko

Pa sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya

Magtiwala ka lang lagi mong tatandaan

Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang

Kahit malayo ka man

Makakaasang hanggang dulo 'di ka papalitan

Kaya mahal

Magtiwala ka lang

'Di magbabago pag-ibig ko'y sayo lang

Kahit

Malayo ka man

Mahal lagi mong tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang

Tawid dagat man ang pagitan

Nating dalawa

'Di 'yon makakahadlang

Kahit malayo ka man

Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo

Baka upang pagtibayin ng hindi na mabigo

Hawak kamay na kinapitan ang pangakong binuo

Na kailanma'y 'di papatinag sa tuksong mapangbuyo

Mapaglaro si Bathala susubukin ang tatag

Makasiguro lang na tayong dalawa'y tinadhana

Kakayanin ang lahat mapatunayan lang

Pagmamahal ko lagi sa'yo ay tapat

Malayo man ating pagitan sa ngayon 'wag umiyak

Sapagkat magkakayakap pang muli 'yan ang tiyak

Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak

Ng aking mga paa mananatili ang galak

Ang galak na muli kang mahagkan at halikan

Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan

Sa aking pagbabalik sabay nating dudugtungan

Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan

Malayo ka man

Mahal lagi mong tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang

Tawid dagat man ang pagitan

Nating dalawa

'Di 'yon makakahadlang

Kahit malayo ka man

Mga araw at gabi na hindi kita katabi

Nakakapanibago 'di alam kung pa'no

Pa'no ko makakayanan na hindi kita kasama

Ang distansiya natin ay napakalayo

Pa'no 'ko makakadayo

Kung pagitan natin libu-libo na espasyo

Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo

Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo

Pero kahit na gano'n pa man

Pakatandaan palagi na andito lang ako

Sa'yo nag-aantay nakaabang

Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan

Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo

Tiwala at lubos ko na pagmamahal

Libo mang kilometro agwat sa isa't-isa

Sa ating puso ay mananatili pa ring espesyal

Malayo ka man mahal lagi mo tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang tawid dagat man ang pagitan nating dalawa

'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Kahit malayo ka man 'di magbabago

Sa'yong-sa'yo lang ang pag-ibig ko 'di maglalaho

Kaya 'wag kang mangamba at 'wag kang mag-alala

'Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa

Maghihintay ako na muling makasama ka

Malayo ka man mahal lagi mong tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa

'Di 'yun makakahadlang kahit

Malayo ka man mahal lagi mong tandaan

'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang

Magtiwala ka lang tawid dagat man ang pagitan nating dalawa

Malayo Ka Man oleh JR Crown - Lirik dan Liputan