Laging nag aabang kung sa'n ka dadaan
Nagbabaka sakaling muli kang masulyapan
Ang ganda mo at ngiti mong kay tamis
Nakakainis kasi hindi kita maalis
Sa aking isipan 'di na mapigil ang
Damdamin ko para sa'yo kahit hanggang titig lang
Kaya minsan gusto kitang i chat sa FB
Ayain lumabas at sabay na mag FT
I can be your superman kahit 'di pang superhero
Ang aking katawan ilalaban kahit kanino
Oo simple lang ako at malabo mong matipuhan
Kaya okay nang kahit sa FB mo lang mapusuan kasi
'Di na mapigilan ang sariling mapaibig sa iyo
Sa iyo ano ba 'to ano ba 'to
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko mata ko
Baliw sa'yo oh oh
Kaya laging nag aabang
Para ika'y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang okay na ako
Nang dahil sa'yo oh oh
Binibini oo 'lam ko naman
Na hindi ako ang nararapat mong magustuhan
Tanggap kong hanggang titig na lang
Kaya sa himig na lang baka sakaling pakinggan mo
'Di man kaya na sabihin 'to sa harap mo
Para lang aminin ko na laman ka ng isip ko
At dalangin pa sa panaginip hanggang sa paggising ko
Siguro nga ako'y baliw sa'yo oh woh
Hiling ko lang naman ay mapansin mo at masabing
'Di na mapigilan ang sariling mapaibig sa iyo
Ano ba 'to ano ba 'to
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko mata ko
Baliw sa'yo oh oh
Kaya laging nag aabang
Para ika'y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang okay na ako
Nang dahil sa'yo oh oh
'Di ko alam kahit minsan bakit 'di kita nagawang palitan
Kahit alam ko naman na malabo mo din ako na magustuhan
Sa mundong ito sa 'yo ko nakita lahat ng wala sa iba
'Kaw 'yung tipo ng babaeng walang
Kolorete sa paningin ko maganda ka na
'Pag dadaan ka nakaabang kahit 'di ka malapitan
At kapag ngumingiti ka 'yun 'yung pinakamasarap titigan
Kung mayro'n man akong kahilingan mahigit ilang ulit na babanggiting
Makasama kita wala nang iba ikaw at ikaw ang hihilingin
Kahit alanganin pa ang katuparan tatandaan mong ika'y iingatan
'Di ko hahayaang mabastos ka lamang payat man ako handa kang 'paglaban
'Di man mahawakan ang mga kamay patuloy pa rin sa paghihintay
Kahit imposibleng atensyon mo sa 'kin 'tuon at maibigay
'Di na mapigilan ang sariling mapaibig sa iyo
Sa iyo ano ba 'to ano ba 'to
Gusto ka laging nakikita ng mga
Dalawang mata ko mata ko
Baliw sa 'yo oh oh
Kaya laging nag aabang
Para ika'y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang okay na ako
Nang dahil sa'yo oh oh