Ayaw ko
Ang parating na umaga
Dahil alam ko na ika'y
Aalis na
Kahit anong lambing at pigil mo
Pagyakap ko
Tuluyan mo pa ring
Tatalikuran ako
Hmmm
Kahit alam mo na
Kailangan kita
Hindi ka maawa
Sa paglisan mo sinta
Paano ba ito
Ako'y gulong gulo na
Dalangin ko na maibsan
Ang sakit na nararamdaman
Sinta
Eto ka na naman
Sa pagpapaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ako
Sa nararamdaman ko sa iyo
Ayaw ko na ng mga
Tawa mo
Mas lalo akong
Nalulungkot
Kakaisip sa iyo
Kapag napagtatanto ko
Na wala ka dito
Mas bumibigat ang pakiramdam ko
Haaaa
Alam ko
Mahirap ang sitwasyong ito
Pero hanggang saan
At kailan ako magiging sa'yo
Paano ba ito
Ako'y gulong gulo
Dalangin ko sana
Matapos na ang lahat
Ng ito
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalalala
Eto ka na naman
Sa pagpapaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ako
Sa nararamdaman ko sa'yo
Pangarap ko
Sana dumating ang araw na
Ako lang
Ako na lang sana
Eto ka na naman
Sa pagpapaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ko
Sa nararamdaman ko sa'yo
Eto
Na naman
Tayo