Mayroon pa lang matiwasay na klase ng pag-ibig
Hirap kasi na maniwala lalo na
Na galing ako sa masamang panaginip
'di na kailangang bumuka pa yung bibig
Parehas yung takbo ng utak, sabay yung pintig
Ng puso kaya sagad sa buto damang kilig
Magkabiyak na bunga, nahinog nang 'di pilit
Nilalanggam na sa tamis, maulan kasi
Ng masustansiya mong halik, hitik na hitik
Paborito kong gawin sa bisig mo magsumiksik
Habang sinusulyapan mga mata mong marikit
Mapapagkatiwalaan
Maasahan mo aking katapatan
Tutupad ako sa ating usapan
Litrato nating dalawa sa'ting tahanan
Ikaw at ako
Walang iba tayo
Ikaw at ako
Walang iba tayo
Mayroon pa lang matiwasay na klase ng pag-ibig
Ngayon na natamasa
Tanging nais ko sa piling mo ay manatili't manahimik
Ating ginagalawang mundo ay parang malaking hardin
'di na para tumanaw at tumikim pa ng ibang tanim
Maipapangako mo kaya sa'king gano'n ka rin?