Kahapon lang,tayo'y magkasama
At parang bula ika'y nawala
Sariwa pa sa aking isipan
Mga sumpa mo at pagsuyo...
Nasaan na ang pangakong
Ako lang ang mahal mo
Nasaan na ang pangako
At bigla kang lumayo.
Ngayon ikaw ay,
May ibang minamahal
Hangad kong lagi..
Ang iyong ligaya.
Kung ikaw man ay kanyang iwan
Ako'y palaging maghihintay..
Nasaan na ang pangakong
'di ka magbabago
Nasaan na ang pangako
At ako'y iniwan mo
Ang puso ko'y nangungulila
Hanggang kailan magdurura
Nasaan na ang pangakong
'di ka magbabago
Nasaan na ang pangako
At ako'y iniwan mo
Nasaan na ang pangakong
Ako lang ang mahal mo
Nasaan na ang pangako
At bigla kang lumayo...
Nasaan na...
Nasaan na...